Karangalan sa Pagkapanalo sa Halalan

Kung tayo ay isang marangal na pamayanan,

maging ang mga nanalong kandidato ay kakalampagin ang COMELEC

sa mga sirang gamit pang-eleksyon, ang “brownout” sa kanilang system

at ang mga reklamo sa maling bilangan sa Pilipinas, at sa ibang bansa.

Ngunit mas mahalaga ang manalo,

kaysa ang katwiran.

Ang importante,

sikat.

Ang mahalaga,

panalo.

Na tila mga batang naglalaro lamang ng patintero.

Posted in Filipino life - for real, opinion, polibiz, Uncategorized | Tagged , , , , , | Leave a comment

Education is the new Nationalism

Education is the new Nationalism

“Dami ko nang problema, dumagdag ka pa,” goes that meme with a zing.

While people from developed countries get to choose the jobs they want, and still feel “meh,” about their dream jobs, we here get to get a PhD and scramble for contractual work.

As of now, this is how we roll. But know that this is not forever.

You owe it to your country to study as hard as you can. As a businessman, you can thrive even if you don’t get a degree. But education gets into the details of the repercussions of one act. The ethics, if you will.

It doesn’t necessarily mean that an educated person will be ethical, but she will have at her disposal, I believe, all the sides of the story.

That, should she decide, will guide her through all decision-making processes – resulting in prudent action encrusted with foresight.

This is why an educated lawmaker is who we should elect. Not because we are bigots, racists, and elitists, but because an uneducated person will not have encountered the many factors affecting a single law, even though they may know the source of a certain social injustice. We have laws now haphazardly enacted, meant more to appease the uneducated public, than to afford us long-term solutions.

It is our generation’s tragedy, that the uneducated get to lead the uneducated. This is not a failure of any one group, but our failure as a nation.

We must put faith of education back into the uneducated. We must put confidence of the uneducated back to the educated.

And while uneducated leaders get to win with cheapshots, and lead the country further into chaos; it is the duty of the educated leader, now, to strategically better those cheapshots, while at the same time earning back the faith and trust of the uneducated masses through laws that provide short term and long term gains – for everyone.

If the laws do not benefit everyone, magpapa-ulit-ulit lang tayo rito. Sa kala-lakad natin sa desyerto paikot-ikot, na aburidong-aburdio sa alikabok sa ating ilong, nakaligtaan nating tumingin sa ibaba, upang makitang sa pangakong lupa na pala tayo naka-tungtong.

Patnubayan nawa kayo.

Posted in opinion, polibiz, solutions | Tagged , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Your mother is not a pig

Ang pigilan ang sarili na tapusin ang buhay ng kaaway mong ang tangka ay patayin ka, kahit pa ikaw ang angat pagdating sa sining ng pakikipagdigma, ay isang bagay na ipinagpapasalamat ng isang sibilyan na hindi niya kailangang pag-desisyunan kailanman.

Ang gawing kasangkapan upang patayin ang iyong kababayan, kundi ay tatanggalan ka ng trabaho, at pagkakaitan ng promotion, samantalang ang nais mo lamang ay makapagpadala ng pera sa iyong pamilya sa probinsya ay masakit para isang ulirang kapatid/padre de pamilya.

Na tila baboy na inaakay papunta sa katayan. Mapalad pa nga ang baboy, siya ay may kalayaang managhoy bilang huling tangka na ipaglaban ang buhay niya.

Sa kabila ng lahat, ay batid naming mga sibilyan ang angking kagitingan ng mga pulis. Unang una ang SAF na nagbigay ng buhay. Ang SAF44, at ang mga bumawi sa Marawi. Pangalawa ay ang mga nagtitiyaga sa buwanang kita. Kakarampot, kahit pa tinaasan na ang inyong sahod, kung titimbangin na ang kapalit nito ay inyong buhay.

Kailanman ay hinding-hindi naming mararanasang dalhin ang bigat ng pakiramdam sa pagkaka-patay sa isang kapwa tao. Ito ay pasanin na sa inyo’y pinuwersang gawing pangkaraniwan. Ang dudurog sa puso ng kahit sinoman ay sa inyo’y pinadadala. At bukas ay tuloy ang paglilingkod. At ang bukas ay di tiyak kung ano ang dala. Ang sigurado lamang ay habang lilipas ang mga araw, ay bibigat lamang ang inyong pasanin.

Pakiwari ko, bagamat kasangkapan kayo, ay may kakayanan pa ring makaramdam, makapag-isip ng kung ano ang tama at mali, ang kapulisan. Bakit?

Dahil hindi naman tayo hayop. Hayop lamang ang pumapatay nang walang alinlangan dahil kailangan niya ito para manatiling buhay sa mapanganib na kagubatan.

Papatayin mo ba ang kapatid mong lulong sa droga, kahit gaano pa kapait ang inyong samahan? Kahit gaano mo pa siya kinasusuklaman, hinding-hindi mo siya maaatim na pagkaitan ng buhay. Ang malulong sa droga, kukunin nito ang lahat-lahat sa iyo. Hanggang tanging hininga na lang sa iyong puso ang matitira. Nanakawin pa ba natin sa ating kapatid ang katangi-tanging mayroon sila?

Hindi.

Kayo ay maaaring sa palagay ninyo ay may pananagutan sa Presidente ng Pilipinas. Ngunit ang nagluklok sa presidente ay ang mamamayan. Ang bulto ng mamamayan rito sa atin ay mahihirap. Sa mahihirap nanggagaling ang mga lulong sa droga.

Dahil riyan, ang Presidente ay may pananagutan na pangalagaan ang karapatan ng isang mahirap na lulong sa droga. Ano ang karapatan ikanyo ng isang mahirap na biktima ng droga?

Isipin ninyo, kung ano na lamang ang nalalabi sa kanya.

Buhay.

Itong natitirang karangalan niya ang siya ring karapatan niya.

Ang manatiling buhay.

Ang panlalaban ay mahirap solusyunan, ngunit sa inyong mga eksperto sa larangan ng pakikidigma, palagay ko naman ay kahit ang pinaka-desperadong druglord at mga bataan niya, kahit mapantayan pa ang inyong firepower, ay wala namang istratehiyang alam.

At itong istratehiyang ito, ito ang pakiusap ko. Nakikiusap ako, mga kapatid kong pulis, na siya namang gamitin ninyo upang mapigilan sila na makipag-bakbakan, upang ang panlalaban ay hindi na maumpisahan pa. Sa ganitong paraan, hindi madaragdagan ang inyong pasanin na makapatay pang muli, kahit karapat-dapat pa silang mamatay. Hindi ito ang tungkulin natin. Ito ay tungkulin lamang, kung magkakaroon man ng ganitong takda, ng Korte Suprema.

Ang sa atin ay mahuli ang mga may sala nang hindi sila pinapatay.

Dahil hindi tayo mga baboy. Dahil ang inyong Presidente ay may pananagutan sa aming mga sibilyan. Dahil ang inyong tunay na pinaglilingkuran ay hindi ang Presidente, o hindi ang kinatawan ng Presidente, kundi kaming mga mamamayan. Kaming inyong mga kapatid ang inyong pinaglilingkuran.

May huli akong kahilingan, kapatid kong pulis. Na kapag makasagupa kayo ng nagpo-protesa sa kalsada ay makita ninyo muna, malaman ninyo muna, maisip ninyo muna –

na sila ay kumakayod rin para sa kanilang pamilya
na sila ay nagpapa-aral rin ng kapatid
na sila ay may pinapasan ring mabigat sa damdamin
ang kawalang katarungan sa kasiguruhan sa trabaho
ang pagsupil sa kanilang karapatan
ang pagpatay nang walang pagsusulit sa korte sa kanilang mga kasamahan
ang kawalan ng lupa na magpapakain sa kanilang mga paslit

at kahit gaano pa kapait ang ipakita nila sa inyo, sila rin ay katulad ninyo. Natin. Sila rin ay ating kapatid.

At maaaring tunay ngang kasangkapan lamang tayong lahat, ngunit kung ang baboy ay kayang magpasuso ng anak kahit alam niya ang kanyang kahahantungan, ay kaya rin nating managhoy bago tayo katayin, para kahit sa kahuli-hulihan, maging lamang sa panahon ng ating kamatayan.

Tayong mga baboy ay makapagpamalas ng karangalan sa ating maiiwan.

Patnubayan nawa kayo ng Maykapal.
Lubos ang aking paghanga sa inyo.

Posted in Filipino life - for real, Life Lessons, opinion, polibiz, solutions, the world as we know it, Uncategorized | Tagged , , , , , , , , , , , , , , , , | Leave a comment

Mainland Chinese Government ALIS. Sa Pilipinas ang Spratlys.

Ang ginawa ng Mainland Chinese Government, ayon kay Sun Tzu, na panlalansing sa Pilipino at walang pahintulot na pagtatayo ng paliparan at gusali sa pagmamay-ari ng Pilipinas na Spratly Islands ay isang ACT OF WAR. Lalong-lalo na kung ganito kalaki ang ginawang literal na pananakop dahil sa reclamation na ginawa nila. Ang gawing ito ay isang malaking kaduwagan sa parte ng Mainland Chinese Government pagkat tayo ay nasa panahon ng kapayapaan.

At kahit ano pa ang papel na ipakita nila na ebidensya lamang ng kanilang kabaliwan at pagkahumaling sa kitang barya, ay naipanalo na natin ang kaso natin sa korte ng mga nagkakaisang bansa. Wala tayong masamang tinapay sa mga Filipino-Chinese. Wala tayong masamang tinapay sa Mainland Chinese Citizens.

Kung ikaw ay isang Filipino-Chinese na inaalagaan ang empleyado mong manggagawang Pinoy, dapat ka pa ngang hangaan sa iyong pagka-Pilipino. Ngunit may hiling ako sa iyo. Kausapin mo ang mga kamag-anakan mo na mamamayan ng Mainland China. Himukin natin sila na kumilos laban sa act of war na ito na ginagawa ng kanilang gobyerno. Naniniwala ang mga Pilipino na hindi sang-ayon ang karamihan ng Mainland Chinese Citizens sa kaduwagang ito ng kanilang gobyerno.

Bakit kaduwagan?

Mas malapit ang mga Hapon. Ngunit pinili nila na sakupin ang teritoryo ng mga ma-diplomasyang mga Pilipino.

Ang bully kasi ganito, lagi lang iyang may bluff. Panay kyaw-kyaw lang, pero kapag pinalagan, lumalabas ang karuwagan.

Sa Pilipino ang Spratlys.

Nagpapasalamat kami at libre ninyo itong pinatayuan ng facilities. Ngayon ay panahon na para umalis ang Chinese Mainland Government sa pagma-may-ari ng mga Pilipino, ng Pilipinas.

Sa mga kapwa ko Pilipino, nais ko lamang iparating, na ang sundalo na lumalaban para sa kinsenas-katapusan – Ang sundalong ang tanging dahilan ay kitang barya – KAILANMAN AY HINDI MAGAGAPI ang Pilipinong sundalong ipinaglalaban ang kanyang kalayaan.

Ang Spratlys ay magbibigay ng pagkaing isda sa ating mga anak at apo. Ang Spratlys ay magbibigay kapayapaan sa kanilang isipan tuwinang sila’y magbabakasyon rito. Sa panahon ng malawakang kapayapaan, ang reclamation ng Mainland Chinese Government sa Spratlys sa kubli ng gabi ay isang kaduwagan. ALIS RIYAN!

Posted in Filipino life - for real, opinion, polibiz, the world as we know it | Tagged , , , , , , , | Leave a comment

Trash throwing Trash? (version 1)

It is a scene not unlike the Pasig River urban poor settler row backdropped by the skyscrapers of Ortigas. Try walking, wherever you may be, from one subdivision to the next, if in the suburbs, or from one block to the next, if in the city. And you will see, spittled on the side of the road, the walkway, the alleys unfrequented by pedestrians, used-up packets, water bottle containers, and plastic bags with yesterday’s trash, both bio and nonbio. If you’re real lucky, you will stumble upon rotting carcass of what had been “Cattie” or “Poochie,” suffocating your upper airways, stifling your hearing, impaling your smell, disarming your senses altogether.

Why?

When we have regular visits by the trash truck.

Why?

When we are supposed to be living in a time of people awakened by the effects of climate change, the term has become passe. Ondoy, Yolanda, all told us that we have got to stop living like pigs.

Have we even bothered? Asking the people who throw trash with careless abandon, why they do what they do? Have we ever asked ourselves what could have possessed them so that in this day and age, they have not evolved a single day from 1982?

I think it’s about time we asked, for us to get answers to the problem. And then, we can form a solution. We need to talk to them. No. Not enough. We need to get to know the urban poor. That is the only way we will figure them out. The solution, even the problem is secondary. What we need to do is to learn how they think. Only then will we understand who they are and what their predilections are – regarding everything. Then the solutions will just simply present themselves without any effort.

Posted in environment care, Filipino life - for real, Life Lessons, opinion, solutions, Uncategorized | Tagged , | Leave a comment

Triumvirate

The drummer slices onto tingling sheen with the right and brushes coarse cotton cloth with his left hand brush stick, the relaxed right foot feathering the bass, and the left foot strictly maintaining tempo with a “chick” of the hi-hat every 4 counts.

The contrabass hums droning notes of its upbeat syncopated tune following the silent remonstrations of its player, executed via hand gestures of what could be construed as animated sign language restrained by the vertical axis.

The pianist’s spider-like hands pounce on prey of grand piano ebony and ivory, spinnerets casting controlled spurts of silky web threads — in a pattern incomprehensibly random, and yet purposeful that the keyboard master’s expression, so contorted yet in oblivious abandon, squeezes out beads of sweat from his vein-reticulated forehead.

“Impressive isn’t it?,” I ask the stunted but lithe middle-aged figure beside me directly where the parquetry meets the plank hardwood edge of the auditorium stage.

“Yep. They been at it for years. For years and years. So many I lost count. I was a young ‘un then. They call me a groupie. Weird being called that with all my gray hair now. Some of it fallen I never even known. I mean, I never pay no mind, to what I look like, because I grown to lovin’ what this that I do. Like them jazz band players swingin their heads lef n’ riyn, with eyes closed maybe them people watchin so quiet, and all they really wondrin, how in blue blazes they still manage ta play at all.”

“In here they all smile an’ no worry. In here them mind is blank. Know wat I mean?”

“Yes. Catharsis.”

“Yeah. Sumpin lyk dat. Heart dat from one a dem last times.”

“The drum playa, he gon thrua divorce. Nasty. Nasty. He never no mind dat alimoney, but the kids he misses. The missus he misses. Now he does.”

“Another woman?”

“Nuh-uh. Eez just one a dem things. Y’know. Dem things that hapenta married folks whu bin married for far too long. Lyk bein in da same damn room but knowin’ u alone. Get my drift?”

“Yes.”

“But lemme tell ya. He done no nothin bad to her. The wife will tell ya dat.”

“And the bassist. He all cool and suave right now here in front a all dem rich folks, but lemme tell ya. Well.” The old crewman scratched his thinning salt-pepper hair, “I don’t think it right for a man to be without woman, you know. I know he aint a manlover. He aint none a dat. Me, personally, I dont pay no mind if u wana man for a wife, but Ricky, he aint dat. I know he wana wife and get one if and he could’ve..”

“So what happened then?”

“Life, my man. Life happened. He and them band o his got so busy we here in NYC one day, and the next we go on a transatlantic type kinda flight where we got nothin to do but sleep and get boozed straight outta our wits..and lemme tell ya, all them tight skinny asses we..Oh, pardon. I mean, Ricky, he warnt able ta get around ta askin a woman to stay with him on account of we war on the road so darn many times all throughout the year. Tourin and recordin and tourin. What kinda woman would want dat? You know..”

“It’s such a shame then.”

“Yes. Yesidis. Well, I guess daz all I can tell ya. Most everybody else knows about Mike and his story,” he gulped his whisky, turned and watched the trio, while yet again, playing with his bald spot.

Everybody knows about Mike. How he was kept locked up inside the house, chained to a four-post bed, the sheets stained with feces and piss, you never could know which was which. That was how the police found him. But lamentable the situation as it may have seemed, there was one little detail that stood out when I went there after handing a hefty tip to the crime scene sentry: On the bed was a silver plate, with crumbs of what smelled like a field of flowers in the summer. Upon exit the sentry pleasantly chit-chatted while I smoked, and gave the detail the broadsheets overlooked: Poor Mike was found sprawled on the wooden floor, eyes closed, smiling, bobbing his head, as his mother played “Livery Stable Blues.”

Which is exactly what they are playing right now.

Posted in comedy and creativity, music | Tagged , , , , | Leave a comment

HUMAN RIGHTS.

Human rights ng mahirap, human rights ng mayaman. Wala dapat ito kaibahan. Human rights ng adik, human rights ng matino. Wala dapat dito pinagtatalunan. Sa isang lipunan na ang presidente na mismo ang nagsiwalat na mayroong “insanity of corruption,” ano na lamang ba ang pinaglalabanan para sa pinaka-makapangyarihang mga posisyon? Common decency. Sori. Nagamit na pala itong slogan ng mga dilawan. The pursuit of life and liberty, aking nabasa sa etiketa ng mga produkto ng NutriAsia. Ano ang tumbok nito? Ang dalawang pinaka-importanteng bagay para sa kahit kanino – buhay at kalayaan. Lupet? Mej-mej lang. Let me explain. Ang ibig sabihin ng “human rights” ay: “Huwag mo ako patayin, kasi kapag patay na ako, paano ko pa mapu-pursue ang life?!” Ayan. Malinaw na sa atin ha. Bakit h8 na h8 sa Pinas ang mga diktador? Eh “andami nilang ipinatayong gusali, ang tahimik ng buhay, ang yaman ng bansa!” Sori ha, kelangan ko talaga sa quotes, di ko masikmura eh. Heto pala ang silbi ng quotes – pang Kremil S ng kamalayan (kunin nyoko blogger nyo! Puede tumawad!).

Dahil pumatay sila.

Mahirap? Mayaman? Pulahan? Dilawan? Hindi iyan.

Pumatay sila ng tao. Pilipino.

Nakakasira sa bansa ang masamang balita. Maaari. Malisyosong balita? Maaari. Pero hayaan natin na ang mamamayan ang humusga kung ano ang malisyoso, kung ano ang hindi. Walang pikunan dito. Tumanggap ka ng suntok. Tiisin mo. Bakit?

Nakakabuwisit mang isipin, pero heto ang makinarya ng demokrasya, hindi ang nabibiling boto sa eleksyon.

Ang magkakaibang pananaw.

Datirati noong panahon ng mga kastila (“Naaalala ko pa..” [nangangatog na boses ng isang matandang ermitanyo]) sa pagdaong nila lang nagkakaroon ng makabagong ideya ang mga Pilipino, tas dumating ang mga libro galing Europa (I love Belgian girls..err..European novels and scientific advancements!).

Ngayon na dapat ay nasa panahon na tayo ng enlightenment, ewan, parang “so-so” lang rin naman. Kulang pa tayo sa basa. Kulang pa sa aral. Kulang pa sa pagsang-ayon, kung ano ba talaga ang mahalaga.

Buhay.

Kalayaan.

Hindi dahil magkaiba kayo ng opinyon, sasaksakin mo na agad. Panuntok naman muna, aba. Hindi dahil kapit na sa balat ang cheekbones, at may hawak na sachet ng droga, babarilin na agad. Ang tindi nga eh, kahit alam mo na nanggahasa iyan ng sanggol, hindi mo basta-basta papatayin. Bakit?!

Iyun talaga, puede ko na talaga sakalin marahil hanggang maupos!

“Vengeance is mine” sabi ni Liam Neeson.

Pweh! Sabi pala ni God.

Sibilisado tayo. Ang mga Pilipino, ay hindi basta-basta pumapatay. Mahalaga sa mga Pilipino ang buhay kahit ng mga karumal-dumal na mga tao na halos talagang alam na nating pupunta sa bahagi ng Inferno ni Dante Alighieri na may kumukulong etsas.

Heto ang dahilan. Ngayon alam ninyo na. Ok. may korapsyon. Mali ito? Yes po. Pero kung iisipin ninyo, kahit saan mayroon nito. Iba lang ang method of delivery, tila droga. Sa Amerika, lobbying ang paraan. Hindi ito ang topic natin dito. Balik tayo.

Kaya kung ikaw ay nasa posisyon, na may pagkakataon ka na nga magkamal ng gold Knorr boullion (see what I did there, advertisers?!), hindi ka pa nakuntento, PUMATAY ka pa.

Eh, buti na lang naniniwala ang karamihan ng mga Pinoy sa Diyos (ok. fine. Eli Soriano.), kundi alam na.

Ganito kahalaga ang buhay.

Heto ang magsasabi kung tao pa ba tayo o hayop.

Mamili kayo, mga kaibigan kong botante, kung ano ang pakikinggan ninyo, ang sinasabi ng abogado ng mga Marcos na walang korte ang nagsabi na pumatay sila, o ang kwento ng daan-daang kakilala ninyo, na testigo na nagsasabing pumatay sila.

Napakahalaga ng buhay ng tao.

Hindi ko lubos maisip kung bakit kakailanganing kunin ito ng kahit sino sa kahit ano pa mang dahilan.

Kung sino man ang kasama ng mga Marcos, hinding-hindi ko iboboto. Kung sino man ang pumatay na nasa posisyon, wala na karapatan bumalik muli dito.

Kunin mo ang lahat lahat lahat sa isang tao, makakabangon pa rin siya. Makapagbabago. She will crawl towards her redemption, her salvation.

Pero kapag pumatay ka, wala na. Ano pa ang silbi niya. More importantly, ano pa ang silbi nating naiwan na nabubuhay? Putangina.

Posted in comedy and creativity, Filipino life - for real, polibiz | Tagged , , , , , , | Leave a comment